top of page
Lalaki sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte Bulacan, Patay Matapos Sumuka ng Dugo
Sulat ni: WARREN REYES
Petsa nalathala: Enero. 28, 2025, 10:00 ng Umaga
Iba pang pinagkunan ng detalye: San Jose del Monte City PCP

I sang lalaki na nakahandusay na sa kalsada ang natagpuan ng mga residente sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte, Bulacan nitong umaga ng Enero 28, taong kasalukuyan.

 

Ayon sa saksi, pumarada umano ito dahil nahilo at biglaang sumuka ng dugo at doon na humandusay ang lalaki.

 

Agad namang nakatawag ng rescue ang mga residente ngunit patay na nang maabutan ito rito ng dumating ang mga pulis para sa kanilang imbestigasyon.

 

Nagbigay naman ng paalala si PCP Commander Edward sa publiko na maging responsable sa pagpo-post sa social media.

Sa ngayon ay isasailalim pa rin sa autopsy ang nasabing namatay na kahilingan ng pamilya para sa karagdagang imbestigasyon ng pulisya.

Panoorin ang video file sa ibaba.​​

Share this post on your social media! Click the links here!
RTVN NEW Logo Horizontal Transparent_edi

Copyright ® 2025  All Rights Reserved

bottom of page