Matapos ang Isinagawang Buy Bust Operation ng San Jose del Monte PNP, Apat na Indibiduwal sa Brgy. Sto Nino 1, San Jose del Monte, Bulacan, Arestado!
Sulat ni: WARREN REYES
Petsa nalathala: Enero. 15, 2025, 10:00 ng Umaga
Iba pang pinagkunan ng detalye: San Jose del Monte City PNP/PDEA
Arestado ang apat na indibidwal sa San Jose del Monte, Bulacan matapos ang isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad. Naaresto sina Alfred Canotal Dingle alyas Chikpon, 34 taong gulang, Noel Alzona Landicho, 40 taong gulang, Jonathan Orlina Resoles, 40 taong gulang at si Jonna Ariego Nalaunan, 39 taong gulang, sa naging matagumpay na buy bust operation ng San Jose del Monte Operative na pinangunahan ni PLtCol. Edilmar G. Alviar, sa koordinasyon ng PDEA.
Matapos matanggap ng isa sa mga suspect ang marked money na isang libong piso ay agad silang inaresto. Dito na nakumpiska sa mga ito ang isang knot-tie transparent plastic sachets na naglalaman ng suspected Shabu at limang pirasong small heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman din ng hinihinalang Shabu.
Tinatayang may timbang na humigit kumulang bente singko gramo na may standard drug price na 170,000 ang mga nasabat na ipinagbabawal na gamot. Bukod dito ay nakumpiska rin ang isang calibre kwurenta’y singkong baril.
Haharapin ng mga nahuling suspect ang ang kasong may kinalaman sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at R.A. 10591 kaugnay ng gun ban ayon sa Omnibus Election Code.
Panoorin ang video file sa ibaba.

