top of page
Lalaki, Dinukot at Inilibing sa Bulacan! Mastermind at Dalawang Kasamahan nito, Arestado!
Sulat ni: JIM ROSARIO
Petsa nalathala: Enero. 11, 2025, 01:58 ng Umaga
Iba pang pinagkunan ng detalye: Exclusive RTV News Coverage though the extensive efforts of Oneil Manuel

Matapos madukot sa Quezon City, ang isang lalaki na ilang araw nang nawawala ay natagpuang patay sa isang bakanteng lote Enero 9 ng madaling araw sa Towerville Amoranto, Brgy Minuyan Proper sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan. Batay sa imbestigasyon ng mga Pulis, patay na ang biktima bago inilibing dahil nang mahukay ito, nakitaan umano ito ng bakas ng sakal sa kanyang leeg at nakaposas pa ang mga kamay nito.

 

Ayon sa mga awtoridad, unang naaresto ang dalawang suspect na sangkot sa pagpatay sa biktima, dahil sa pagkaka-recover ng sasakyan nito. Ang dalawang naunang mga suspect ay kinilala ng mga pulis na sina Noli Banegas Cape, at Mervin Juane Armas. Ayon sa nahuling mga suspect biniyahe umano ang bangkay patungong Bulacan na nasa loob ng isang blue na drum, ayon na rin sa utos ng mastermind nila. Dito na biniyahe ng dalawang suspect patungong San Jose del Monte, Bulacan ang biktima at ilibing sa isang bakanteng lote na pagmamay-ari ng isang nahuling suspect.

 

Sa isinagawang hot pursuit operation ng QCPD ay naaresto ang sinasabing utak sa krimen, na kinilala ng mga awtoridad na si Victor Vidal Dueñas na umano'y mastermind sa krimen.

Panoorin ang photos at video file sa ibaba.​​

Share this post on your social media! Click the links here!
RTVN NEW Logo Horizontal Transparent_edi

Copyright ® 2025  All Rights Reserved

bottom of page