Brgy. Old Balara, Planong Muling Magpakawala ng mga Palakang-Bukid Dahil sa Tumataas na Kaso ng Dengue Fever
Sulat ni: JIM ROSARIO
Petsa nalathala: Pebrero 17, 2025, 08:17 ng Umaga
Iba pang pinagkunan ng detalye: Brgy. Old Balara Chairman's Chief-of-Staff Office, Graphics mula sa QC Epidemiology & Surveillance Division
Noong 2019, matatandaang nagpakawala ng mga palakang-bukid ang Barangay Old Balara, Quezon City sa mga estero dahil napatunayan nila sa kanilang barangay na nakatutulong daw ito na mabawasan ang lamok at mapababa ang kaso ng dengue, dahil kinakain ng palaka ang mga lamok na siyang carrier ng dengue virus.
Ayon sa pamunuan ng Barangay Old Balara, may 45 na silang naitalang kaso ng dengue fever ngayong buwan ng Pebrero. Ayon sa QC Epidemiology and Surveillance Division, may kabuuang 1,769 na mga kaso ng dengue na sa buong Quezon City na 5 to 17 taong gulang ang mga edad, at sampu (10) naman ang napaulat nang namatay.
Nagpatawag naman ng emergency meeting ang pamunuan ng Barangay ng Old Balara upang pag-usapan ang mga kaparaanan para masugpo ang dengue. Isa na din dito ang posibleng pagpapakawala muli ng mga palakang bukid. Patuloy naman ang paglilinis at pag che-check ng mga kawani ng barangay Old Balara sa lahat ng area na pwedeng pamahayan ng lamok at walang tigil na pagpapatupad ng Operation 5S.
Panoorin ang video file sa ibaba.

