top of page
'Tricycle Driver, Arestado sa Buy-bust Operation ng Ormoc PNP!
Sulat ni: FRANCIS TICA
Petsa nalathala: Pebrero 20, 2025, 09:16 ng Umaga
Iba pang pinagkunan ng detalye: Courtesy of Ormoc PNP thru PCol Reydante Ariza, PNP Ormoc Chief

Arestado ang isang suspek na si alyas Kokoy, 49 taong gulang, binata at tricycle driver na nakatira sa Prk 6 Brgy. Jica Lao, Ormoc city, leyte.

 

Ayon sa ulat nagsagawa ng buy-bust operation ang CDEU sa pangunguna ni PLt Rechi Selencio sa suporta ng Ormoc PS3 - SDET. Sa pangunguna naman ni PMaj Omar Roel Cartalla sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Reydante Ariza, chief of police ng lungsod.

Nangyari ang pagkakaaresto sa suspek bandang 12:10 ng hating gabi ng Pebrero 19, taong kasalukuyan.

Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang humigit kumulang 7.67 na gramo ng hinihinalang Shabu na may tinatayang halaga na Limampu't-dalawang libo, isang-daan, at iimampu't-anim na piso (PHP 52,156.00).

 

Narekober din sa suspek ang isang piraso na limang daang piso bilang buy-bust money, isang pirasong white jewelry box, at isang pirasong one-thousand pesos na bogus money.

Samantala, ang naarestong suspek ay binasahan ng kanyang karapatan sa konstitusyon sa ilalim ng Mirada doctrine.

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Sec. 21 Art. II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Panoorin ang photo file sa ibaba.​​

Share this post on your social media! Click the links here!
RTVN NEW Logo Horizontal Transparent_edi

Copyright ® 2025  All Rights Reserved

bottom of page