top of page
Lalakeng Napagkamalang Snatcher sa Malate, Maynila, Patay!
Sulat ni: JIM ROSARIO
Petsa nalathala: Pebrero 21, 2025, 02:31 ng Hapon
Iba pang pinagkunan ng detalye: FB Files
Hustisya ang hiling ng pamilya para kay Christian nakanilang anak, matapos mapatay sa kuyog, pamamalo, at pananaksak ang isang lalaki na napagkamalan umanong snatcher sa Malate, Maynila.
Ayon sa mga kaanak ng lalaki, napagbintangan lang ang kanilang anak na siyang ninakawan ng cellphone. Hinabol lang umano niya ang snatcher papasok sa isang bahay. Gabi ng Pebrero 8 nang kuyugin ng ilang residente ang napagkamalan nilang snatcher.
Binawian din ng buhay ang lalaki matapos ang halos dalawang linggo na pananatili sa ospital. Kinilala ang lalaki na si Christian Ambon, isang Criminology graduate at balak sanang mag-security guard muna habang hinihintay ang kanyang Criminology exam.
Panoorin ang photo file sa ibaba.

File Photo 1

File Photo 2

File Photo 3

File Photo 1
1/3
Share this post on your social media! Click the links here!
bottom of page

