Dalawang Drug Suspect, Arestado sa Buy-bust Operation sa Balagtas, Bulacan!
Sulat ni: WARREN REYES
Petsa nalathala: Pebrero 21, 2025, 05:31 ng Hapon
Iba pang pinagkunan ng detalye: Balagtas Municipal Police Office
Arestado ang dalawang drug suspect matapos ang isinagawang Anti-illegal Drug Buy-bust Operation ng S-D-E-U ng Balagtas MPS sa Brgy. Longos, Balagtas, Bulacan ngayong Pebrero 21, 2025 alas-4:00 kaninang madaling araw sa pangunguna ni PMaj. Karl Vinzent Centinaje, hepe ng Balagtas PNP-Bulacan.
Ang mga nahuling suspect ay kinilalang sina alias “Benny,” 56 taong gulang at alias “Edong,” 54 taong gulang na parehas na naninirahan sa naturang lungsod.
Narekober sa mga ito ang humigit-kumulang 74 na gramo ng hinihinalang Shabu na may standard drug price na PHP 503, 200.00, kabilang ang isang pitaka at ang isang-libong pisong buy-bust money.
Ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala na sa Balagtas MPS. Kakaharapin ng mga suspek ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Panoorin ang video file sa ibaba.

